Pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga gabinete na dumalo ng imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umano’y overpriced na medical supplies nang wala siyang pahintulot.
Sa kanyang Talk of the Nation, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya kinukwestyon ang otoridad at kapangyarihan ng Senate Blue Ribbon Committee sa pag-iimbestiga, pero nasasayang aniya ang oras ng mga resource person lalo na sa executive department na hindi naman naisasalang sa pagdinig.
Binigyang-diin ng pangulo na bagama’t kinikilala niya ang kapangyarihan ng Senado na i-cite in contempt ang cabinet members, maaari naman niyang gamitin ang kaniyang otoridad bilang pinuno ng executive department.
Naniniwala si Duterte na ang imbestigasyon ng Senado ay isang fishing expedition lalo na’t nalalapit na ang 2022 presidential election.
Kaya naman pagtitiyak ng pangulo, ikakampanya niya sa taong bayan na huwag iboto si Blue Ribbon Committee Chair. Sen. Richard Gordon sakaling tumakbo ito sa 2022 election.