Manila, Philippines – Binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Negros Island Region sa bisa ng inilabas na Executive Order number 38.
Binabawi kasi ng nasabing EO ang unang Executive Order number 183 series of 2015 na nilagdaan ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino kung saan pinagiisa nito ang Negros Occidental at Negros Oriental.
Dahil sa nasabing EO ay babalik na sa Region 6 ang Negros Occidental at babalik din sa Region 7 ang Negros Oriental.
Batay din sa EO ay inaatasan ang mga kasalukuyang personnel ng Negros Island Region na bumalik sa kanilang mga dating units o di naman kaya ay maireassign sa ibang ahensiya.
Mayroon namang 60 araw ang Negros Island region para ayusin ang lahat ng operasyon o anomang liabilities na ito bago tuluyang mahati sa Oriental at Occidental.
Inatasan din naman ni Pangulong Duterte ang Department of Interior and Local Government na bantayan at pangasiwaan ang paghihiwalay ng rehiyon.
Pangulong Duterte, pinaghiwalay ang Negros Island Region
Facebook Comments