LAOS, VIENTIANE – Nanghihinayang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkansela ng White House sa kanilang bilateral talks ni US President Barack Obama.Kinansela ang pulong ng dalawang lider matapos ang pagbanat ng Pangulong Duterte kay obama bago tumulak ng Laos para sa ASEAN Summit.Ayon kay Presidential Spokesperman Ernesto Abella, pinagsisisihan ng pangulong duterte ang mga binitawan nitong pahayag laban kay obama.Sa kabila nito, nagkasundo na anya ang Amerika at Pilipinas na ipagpaliban sa ibang petsa ang one-on-one meeting ng dalawang pangulo.Nagpaliwanag naman si US Deputy National Security Adviser Ben Rhodes sa kanselasyon ng pulong nina Duterte at Obama.Sa kabila nito, nanatili anyang matatag ang relasyon ng Pilipinas at ng Amerika.
Facebook Comments