Granada, Mga Baril At Patalim, Nakumpiska Sa Sorpresang Inspeksyon Sa Nbp

12

MANILA – Tatlong granada, mga baril at patalim ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang sorpresang inspeksyon sa Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison o NBP.Dahil dito, lalo pang pinaigting ang seguridad sa NBP para matiyak ang kaligtasan ng mga high profile inmate matapos ang operasyon ng PNP-Special Action Force at Bureau of Corrections o BUCOR.Babala ng BUCOR, kakasuhan nila ang mga bilanggo sakaling mapatunayang nagtago ng mga kontrabando sa pambansang bilangguan.Nangako rin ang BUCOR na bibigyang daan nito at hindi pipigilan ang mga law enforcement agency kapag nagsilbi ng warrant sa mga preso sa NBP.

Facebook Comments