Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.
Ito’y kapag napatunayang nagkulang siya kaugnay sa pagpapalaya sa rape-murder convict na si Antonio Sanchez, Drug Traffickers at iba pang High Profile Prisoners.
Ayon kay Sen. Bong Go, nag-utos na si Pangulong Duterte ang imbestigasyon para malaman kung sino ang responsable sa napipintong paglaya ni Sanchez at pagpapalaya sa ilang Chinese Drug Traffickers sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Malinaw aniya sa pangulo, na si Sanchez at iba pang bilanggong nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay hindi nararapat na maging kwalipikado para sa GCTA.
Para sa Senador, “very inconsistent” ang mga pahayag ni Faeldon at iba pang BuCor officials sa ginanap na pagdinig kahapon, lalo na kung sino ang pumirma ng mga dokumento para sa pagpapalaya kay Sanchez.