Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang masusunod sa kung palalawigin ba o hindi ang Martial Law sa Mindanao.
Ito ang reaksyon ng Malacañang sa naging Pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na gusto niyang Palawigin ng 5 taon ang Martial Law sa buong Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Bella, tanging si Pangulong Duterte ang may kapangyarihan na magdeklara ng batas militar at ito din ang makapagsasabi kung gaano katagal niya ito gustong ipatupad.
Sinabi din ni Abella na pagbabasehan ni Pangulong Duterte ang magiging resulta ng assessment ng AFP at ng PNP sa Mindanao kung nararapat bang palawigin o hindi ang Martial law.
Sinabi naman ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na dedepende parin naman ito sa magiging resulta ng pagaaral ng militar sa sitwasyon sa mindanao at hindi sila makapagbibigay ng kongkretong komento ukol sa naging pahayag ni Speaker Alvarez.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558