Pangulong Duterte, pinaliwanag ang 3 milyong pagtaas ng ari-arian nito

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinanggalingan ng P3-milyong pagtaas sa kanyang ari-arian base sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na inilabas ng Office of the Ombudsman.

Ayon sa Pangulo, ito ay mula sa hindi nagamit na donasyon para sa kanyang presidential campaign noon pang nakaraang taon.

Idineklara niya ito bilang income dahil hindi na nila aniya matunton kung kani-kanino nanggaling ang mga donasyon na ito.


Base sa SALN ng Pangulo na inilabas ng ombudsman noong biyernes, mayroon itong total net worth na P27,428,862.44 noong December 31, 2016.

Mas mataas ito ng P3 million kumpara sa kanyang net worth noong June 30, 2016 kung kailan siya pormal na umupo bilang Pangulo ng bansa.

DZXL558

Facebook Comments