Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proseso ng pagpapalabas ng pondo ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 para sa mga ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binigyan ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado na aprubahan ang pagpapalabas ng pondo para sa Bayanihan 2 para sa anim na departamento.
Ibig sabihin, hindi na aniya ito kailangan pang dumaan sa pag-apruba ng Office of the Executive Secretary.
Kabilang sa inaasahang mailalabas na ang pondo sa loob ng isang linggo ay ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH).