Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center sa Bataan
Sa kanyang talumpati, kinilala ni Pangulo Duterte ang lahat ng tumulong para mabuo ang magiging tahanan aniya ng mga atletang Pinoy.
Tiwala ang Pangulong Duterte na sa pamamagitan nito ay makakali-likha pa ang bansa ng mas maraming world class athlete na magdadala ng pangalan ng Pilipinas sa mga international sports competition.
Kasabay nito, umaasa naman ang pangulo na ipagpapatuloy ng Marcos Administration ang mga kasalukuyang programa ng pamahalaan na nagsusulong sa development ng larangan ng pampalakasan at mga programa para sa kapakanan ng mga atletang Pilipino.
Ang Philippine Sports Training Center ay itinayo alinsunod sa Republic Act no. 11214 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Pebrero, 2019.
Ito ay pinandohan ng aabot sa 2.5 billion pesos at inaasahang maku-kumpleto sa Disyembre 2025.
Ang lupang pinagtayuan ng gusali na may 250, 000 square meters ay donasyon naman mula sa lokal na pamahalaan ng Bataan.