BBM, bukas sa posibilidad na gawing optional ang pagsusuot ng face mask – ayon kay Concepcion

104

Bukas si President elect Bongbong Marcos sa usapin hinggil sa posibilidad na gawing optional ang pagsusuot ng face mask.

Ito ang inihayag ni Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion matapos na makausap si Pangulong Marcos.

Ayon kay Concepcion, isa ang isyu ng pagsusuot o hindi ng face mask sa pampublikong lugar sa natalakay sa pakikipagpulong sa incoming president.


Una nang inihayag ni Concepcion na para sa kanya ay mas maiging ipaubaya na lang sa LGU ang pagpapasiya tungkol dito.

Maaari aniyang hikayatin ang lahat na mag face mask kapag nasa outdoor subalit hindi kailangang maging mandato ito.

Facebook Comments