Pangulong Duterte, pinapangunahan ang virtual rites ng ika-119th Police Service Anniversary sa Camp Crame

Nagdiriwang ngayon ang Philippine National Police (PNP) ng ika-119th Police Service Anniversary kung saan ang seremonya ay ginagawa sa pamamagitan nang nationwide simulcast mula PNP National Headquarters sa Camp Crame hanggang 17 Police Regional Offices sa buong bansa.

Ito ay dahil na rin sa pagsunod sa mahigpit na health protocols na iniutos ng gobyerno para malabanan ang COVID-19 lalo’t umiiral ang Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Ang virtual rites ay pinangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng kanyang mensahe sa pamamagitan ng internet at telebisyon.


Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, ang tema ngayong taong selebrasyon ay “Towards A Pandemic-Resilient PNP: Deploying Digital Technologies and Adopting Protective Protocols in The New Normal”.

Nasa Camp Crame naman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para personal na pangunahan ang seremonya at pagbibigay ng awards sa PNP Units at mga personnel na nagpakita ng outstanding performance at achievements sa pagseserbisyo sa nakalipas na buong taong 2019.

Ngayong taon, sampu ang national individual awardees, sampu rin ang national unit awardees, 11 ang special unit awardees at may dalawang special unit awardees for COVID-19 pandemic ito ay ang PNP Health Service at PNP-CIDG.

Facebook Comments