Pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 397 Filipino athletes na nag-uwi ng medalya sa 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.
Ginawaran ni Pangulong Duterte ang mga atleta ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kamagi.
Sa nasabi ding courtesy call, binigyan ng pangulo ng incentives ang mga atleta alinsunod sa Republic Act No. 10699 o Philippine Sports Commission kung saan ang mga Pilipinong atleta na nakapag-uwi ng gintong medalya ay bibigyan ng P300,000 habang ang nakakuha ng silver medal ay makakatanggap ng P150,000 at P60,000 para sa bronze medalists.
Sa kabuuan, 52 gintong medalya ang nauwi ng Pilipinas, 70 silver medals at 105 bronze medals na naglagay sa bansa sa fourth spot mula sa 11 mga bansang kasali sa palaro.