Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japanese Government para sa kanilang tulong sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ng pangulo kasabay ng inagurasyon ng 18-kilometer portion ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Project Phase 1 sa Tarlac City.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na isang kaibigan ang Japan.
Pinasalamatan niya ang Asian superpower para sa 12 billion pesos na assistance para sa CLLEX.
Ang CLLEX ay malaking ginhawa para sa mga commuter patungo o manggagaling ng Manila at Cabanatuan City.
Sa tulong nito, ang biyahe mula Tarlac patungong Cabanatuan ay magiging 20 minuto na lamang mula sa dating 70 minuto.
Samantala, tiniyak ni Pangulong Duterte sa publiko na mananatiling committed ang administrasyon sa pagbibigay ng komportableng pamumuhay para sa mga Pilipino.