Pangulong Duterte, pinasalamatan ang New People’s Army sa pagpapalaya sa isang pulis

116

Manila, Philippines – Ipinagpasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalaya ng New People’s Army (NPA) sa binihag na si SPO2 George Rupinta.

Dahil dito, tinugon ng pangulo ang hiling ng mga komunista na buksan ang usapang pangkapayapaan.

Muli ring iginiit ng pangulo na tuloy pa rin ang kampanya laban sa ilegal na droga.


Aniya, tutuparin niya ang kanyang ipinangako noong kampanya na tatapusin ang problema ng droga, kriminalidad at korapsyon sa bansa.

Facebook Comments