Pangulong Duterte, pinapalipat sa PNP ang nakalaang pondo para sa Commission on Human Rights

131

Manila, Philippines – Nanawagan naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso ilipat na lamang sa Philippine National Police (PNP) ang nakalaang pondo para sa Commission on Human Rights (CHR).

Ito’y kung mananatili ang 1,000 pisong budget ng CHR para sa taong 2018.

Binanatan pa ng pangulo si CHR Chairman Chito Gascon dahil sa mga akusasyon nito tungkol sa pagpatay sa mga kabataan kabilang sina Kian Loyd delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.


Binigyang diin pa ng pangulo na magtagumpay man siya o mabigo sa kampanya ay hindi siya titigil sa pagsugpo ng korapsyon, droga at kriminalidad para sa kapakanan ng mamamayan at pambansang ekonomiya.

Facebook Comments