Pangulong Duterte pinasasampahan ng kasong kriminal ang mga sangkot sa anomalya sa Philhealth

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na magsagawa ng malalimang imbesitgasyon at kasuhan ang mga makikitang sangkot sa sinasabing anomalya sa kidney dialysis treatment claims.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philhealth at nakapag sampa na ng administrative case laban sa ilang sangkot sa anomalya.

 

Mahigpit aniyang utos ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Philhealth ay sampahan ng kasong criminal ang mga opisyal at empleyado nito na nagkaroon ng papel sa anomalya ng ilang taon.


 

Pinagsusumite din aniya ni Pangulong Duterte ng detalyadong report ang Philhealth kaugnay sa iregularidad.

 

Tinitiyak din naman ng Malacañan na hindi hihinto ang administrasyon sa paglaban sa katiwalian at tiyaking hindi magiging kasangkapan ng katiwalian ang Universal Health Care Law.

Facebook Comments