Pangulong Duterte, pinasinayaan ang bagong public school buildings sa Valenzuela

80

Ipinagmalaki ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa ilalim ni Mayor Rex Gatchalian ang dalawang bagong public high school buildings.

Magugunitang pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Lawang Bato National High School at Canumay East National High Scholl (CENHS) noong March 4 – na bahagi ng Build Build Build program na layon ding palakasin ang mga school infrastructure.


Ang Lawang Bato High School ay kayang mag-accommodate ng higit 3,000 Junior at Senior High School students at higit 100 guro at staff.

Aabot naman sa higit 1,000 estudyante at 43 guro at staff ang makikinabang sa mga bagong school building ng Canumay National High School.

Pinasalamatan ni Mayor Gatchalian ang national government sa pagsuporta sa mga inisyatibo ng lungsod dahil ang mga bagong gusali ay sumisimbulo sa legasiya ng pamahalaan sa edukasyon.

Facebook Comments