Pangulong Duterte, pinatitigil na ang paggamit ng face shield – Malakanyang

Kinumpirma ng Malakanyang na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang paggamit ng face shield.

Kasunod ito ng mga naunang pahayag nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Joel Villanueva.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gagamitin na lamang ang mga face shield sa mga ospital.


Dahil nagsalita na aniya ang Pangulo, magiging polisiya na ito ng bansa.

Gayunman, maari pa rin namang umapela ang Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay nito.

Una nang iminungkahi ni Manila Mayor Isko Moreno na itigil na ang paggamit ng face shield dahil dagdag-gastos at basura lamang ito.

Facebook Comments