Pangulong Duterte, pinayuhang makipag-usap sa National Security Council kaugnay ng Recto Bank Incident

Dapat nang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa National Security Council kaugnay ng insidente sa Recto Bank at presensya ng mga Foreign Vessel sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Giit ni Senador Richard Gordon, hindi pwedeng dumepende ang bansa sa “personal friendhip” ng pangulo sa China.

Matatandaang sinabi ni Pangulong na papayagan niyang mangisda sa EEZ ng bansa sa West Philippine Sea ang mga Tsino dahil magkaibigan ang Pilipinas at China.


Samantala, sinabihan din ni Gordon ang ibang opisyal ng gobyerno na tigilan ang paglalabas ng mga statements habang hinahanapan ng solusyon ang isyu.

Aniya – kesa dada nang dada, makipag-usap na lang muna sa NSC.

Facebook Comments