Pangulong Duterte, pinirmahan na ang EO ukol sa wastong pagsulat ng pangalan ng bayaning si Lapulapu

Hindi na gagamit ng gitling o hypen kapag isusulat ang pangalan ng bayaning si ‘Lapulapu’.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na layong atasan ang mga ahensiya ng gobyerno kabilang na ang State Universities ang Colleges (SUC’s) na i-adopt ang ‘Lapulapu’ sa halip na “Lapu-Lapu.”

Ipinunto ng pangulo na pinagbatayan dito ang mga unang titulo sa bayani sa Mactan na nakalagay ang salitang “Cilapulapu” kung saan ang “Ci” ay isang ibinibigay na titulo.


Sa kabila niyan, hindi naman babaguhin ang mga opisyal na pangalan ng mga lugar kagaya ng Lapu-Lapu City.

Ngayong 2021 ay ginugunita ng Pilipinas ang ika-500 anibersaryo ng tagumpay ni Lapulapu laban sa mga Kastilang pinamunuan ni Ferdinand Magellan sa battle of Mactan noong April 27, 1521.

Facebook Comments