Pangulong Duterte, planong bumisita sa Sri Lanka kapag bumuti ang COVID-19 situation

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyong bumisita sa Sri Lanka kapag bumuti na ang COVID-19 situation sa bansa.

Ang imbitasyon ay ipinaabot mismo ni Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa sa pag-uusap nila sa telepondo ni Pangulong Duterte noong June 28.

Pinag-usapan ng dalawang lider ang mga paraan para mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa trade, defense at tourism.


Ginugunita ngayong taon ang ika-60 taong diplomatic relations ng Pilipinas at Sri Lanka.

Sinabi ni Pangulong Duterte na palalakasin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Sri Lanka sa United Nations hinggil sa ilang common interest issues.

Nagpapasalamat din ang pamahalaan sa Sri Lanka sa pagtulong nito sa repatriation ng mga Pilipino sa harap ng pandemya at ligtas na pagpapauwi sa mga Filipino seafarers ng MT New Diamond na nasunog noong Setyembre 2020.

Facebook Comments