CHINA – Pormal nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Chinese investors at ilang Chinese officials ang kanyang pagkalas sa Estados Unidos sa ugnayang pang-ekonomiya at militar.Ayon kay Pangulong Duterte, mas pinipili na niya ngayon ang China dahil sa tagal ng panahong pakikipag-alyansa sa Amerika kung saan wala naman itong naitulong sa bansa.Mabuti pa aniya ang China dahil pwedeng maka-utang ang bansa rito at hindi rin kaagad naniningil at kung minsan pa nga ay nakakalimutan nang maningil.Kasabay nito, personal na ring inilapit ni Pangulong Duterte sa China ang kanyang hangaring maka-utang para mapondohan ang ilang mahahalagang imprastraktura at rehabilitasyon sa mga drug dependents sa bansa.Makakaasa naman aniya ang China na magbabayad ang Pilipinas at hindi kailanman makakalimutan ng mga Pilipino ang kanilang kabutihan.
Pangulong Duterte, Pormal Nang Inanunsyo Ang Pagkalas Ng Pilipinas Sa Amerika
Facebook Comments