Pangulong Duterte posibleng itake over ang pamamahala sa water utilities sa Metro Manila kasunod ng nararanasang krisis sa tubig

Inihayag ngayon ng Malakanyang na posibleng iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagte-takeover ng pamahalaan sa water utilities sa Metro Manila.

 

Kasunod ito ng pahayag ng chief executive na gagamitin niya ang kaniyang “extraordinary powers” para maresolba ang naka-ambang panibagong krisis sa tubig.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw sa probisyon ng saligang batas na pangunahing mandato o tungkulin ng pangulo na paglingkuran at pangalagaan ang mga mamamayan.


 

Kung nakikita ng chief executive ang paghihirap ng publiko gaya ng kawalan ng tubig na maiinom o kaya’y magagamit sa pang-araw araw na pangangailangan ay posible niyang iutos ang paglilipat ng pangangasiwa sa water utilities sa gobyerno mula sa water concessionaires Maynilad at Manila Water.

 

Ipinaliwanag naman ni Panelo na kailangang magdeklara ng national emergency ng chief executive upang maipatupad ang government takeover sa water utilities.

 

Kay Pangulong Duterte pa rin ang pagdedesisyon kaugnay dito lalo’t nakatatanggap naman ito ng briefer mula sa water authorities.

Facebook Comments