Pangulong Duterte, posibleng tumakbo sa pagkabise presidente kahit walang running mate

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, posibleng ituloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo sa pagkabise presidentie sa 2022 elections kahit walang running mate.

Sinabi ni Go na kapag ito ang ginawa ni Pangulong Duterte ay magiging libre ang kanyang pwesto para sa pagkandidato sa pagkapangulo.

Tiniyak ni Go na kung ito ang magiging desisyon ng pangulo ay kanya namang susuportahan.


Ayon sa kanya, kasunod ito ng pagtanggi niya sa pag-endorso sa kanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban)-Cusi faction upang maging manok sa pagkapresidente at katandem ni Pangulong Duterte.

Samantala, handa namang suportahan ni Go ang sinumang kakandidato sa pag-kapresidente na makapagpapatuloy sa mga inumpisahang pagbabago ni Pangulong Duterte, lalong-lalo na sa kampanya laban sa korapsyon sa gobyerno, kriminalidad at iligal na droga.

Facebook Comments