“SORRY PO”, Huling Salita ng Binata na Nag-Suicide sa Cauayan City, Isabela!

1320

*Cauayan City, Isabela- *Wala nang buhay ng madatnan sa kwarto ang isang binata matapos magpakamatay kaninang 2:30 ng hapon sa brgy San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang binatang nagpakamatay na si Marvin Eslabra Bautista, 25 anyos, isang helper at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan City na natagpuan na lamang ng ama ng biktima na wala nang buhay ang kanyang anak sa loob ng kanyang kwarto.

Sa pagresponde ng kapulisan ay may nakitang dalawang plastic bottles ng C2 na naglalaman ng pesticide at may nakasulat sa ding-ding na “SORRY PO”.

Naniniwala naman umano ang pamilya ng biktima na nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide.

Inaalam pa ng PNP Cauayan City kung ano ang motibo ng pagpapakamatay ng biktimang si Marvin Bautista.

Facebook Comments