Pangulong Duterte, sa susunod na linggo pa magdedesisyon hinggil sa reduced physical distancing sa mga public transportation

200

Inaasahang sa Lunes, Setyembre 21, pa makakapagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa required physical distancing sa mga pampublikong trasportasyon.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili ang isang metrong distansya sa mga pasahero sa pampublikong transportasyon hangga’t hindi pa ito napagdedesisyunan ng Pangulo.

Aniya, ang Pangulo na ang magdedesisyon dito matapos mabigong maabot ng pandemic response task force ng gobyerno ang consensus ng polisiya.

Facebook Comments