Pangulong Duterte, sa susunod na linggo pa magkakaroon ng Talk to the People

74

Posibleng sa susunod na linggo pa magkaroon ng Talk to the People (TTTP) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit natapos na ng pangulo ang mandatory quarantine matapoma-expose sa kasambahay na positibo sa virus.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, posibleng sa darating na Lunes, Pebrero 7 pa magkaroon ng TTTP ang pangulo.


Kasabay nito, tyiniyak ni Nograles na nasa maayos na kalagayan si Pangulong Duterte matapos ang kaniyang routine medical check-up.

Nauna na rinng tiniyak ni Nograles na dalawang beses na nagnegatibo sa RT-PCR test ang pangulo.

Facebook Comments