“No booster, No entry” sa mga establisyimento sa NCR, tinabla ng Malacañang

340

Tinabla ng Malacañang ang mungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na “No booster, No entry” sa mga establisyimento sa Metro Manila.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, nakatutok ngayon ang gobyerno na mabakunahan ang lahat ng Pilipino para masiguro ang proteksyon laban sa COVID-19.

Aniya, ito ang dahilan kaya pinapaigting ang vaccination rollout para magkaroon ng proteksyon ang lahat laban sa virus.


Giit pa ni Nograles, maging ang World Health Organization (WHO) ay walang nababanggit na “no booster, no entry.”

Facebook Comments