Pangulong Duterte, sasabak nanaman sa sunod-sunod na aktibidad ngayong araw

Manila, Philippines – Matapos ang mahabahabang pahinga ay sasabak nanaman si Pangulong Duterte sa sunod-sunod na aktibidad ngayong araw na ito.
Matatandaang kahapon ay muling nagpakita ang pangulo sa publiko matapos ang ilang araw na pagpapahinga.
Batay sa official tentative Schedule ng Pangulo ngayogna raw ay inaasahan na magsisimula ang mga aktibidad nito 2 ng hapon sa malacanang, mayroon din itong dadaluhang aktibidad sa Clark Pampanga at babalik ito sa Maynila para sa kanyang ikatlong public engagement at huling pupuntahan ng Pangulo ay ang pagsalubong sa mga sugatang sundalo mula sa Marawi City.
Matatandaan na idinipensa ng Malacanang ang hindi paglabas ng Pangulo sa publiko ng ilang araw sa pagsasabing tinatapos lang ng Pangulo ang kanyang mga dapat gawin.

Facebook Comments