Pangulong Duterte, tila kinikikilan ang US dahil sa VFA – VP Robredo

Pinuna ni Vice President Leni Robredo ang tila ‘pangingikil’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos para mapanatili ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Matatandaang pinagsabihan ni Pangulong Duterte ang US na dapat silang magbayad kung nais nilang mapanatili ang military deal sa Pilipinas.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na hindi ito ang tamang paraan para tratuhin ang US na matagal ng kaalyado ng Pilipinas.


Para sa Bise Presidente, kahiya-hiya ang naging pahayag ng Pangulo.

Dapat aniya maglatag ang administrasyon ng kongkretong dahilan kung bakit ayaw na nitong i-renew ang agreement at ipakita na bakit hindi na ito beneficial para sa mga Pilipinas.

Facebook Comments