Pangulong Duterte, tila nalito sa nagsusulong ng academic strike ayon kay Roque

“Somehow Confused”, ito ang sinabi ng Malacañang matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na tatapyasan ng pondo ang University of the Philippines (UP).

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nalito ang pangulo sa kung aling unibersidad ang nagsusulong ng academic strike.

 

Aniya, ang mga estudyante ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang balak magkasa ng strike para iprotesta ang kapabayaan ng gobyerno sa typhoon at pandemic response.


 

Dagdag pa ni Roque, kailangan din niyang protektahan ang kanyang alma mater kung saan siya nagtapos sa pag-aaral at nagturo ng halos 20 taon.

 

Tingin ni Roque, hindi naman lalahok ang UP students sa academic strike ng Ateneans lalo na at mayroong libreng tuition sa lahat ng state universities and colleges.

 

Malinaw naman aniya ang mensahe ng pangulo kung ayaw mag-aral, huminto para magamit ang pondo sa ibang paraan.

Facebook Comments