Pangulong Duterte, tinawag na ‘biggest lawless element’ ni dating CHR chairperson Etta Rosales

Manila, Philippines – Tinawag na “biggest lawless element” ni dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa presscon sa Manila Hotel ay tahasang sinabi ni Rosales na labag sa batas ang pakikipag-kompromiso ng Pangulo sa mga Marcoses.

Ayon kay Rosales na bagaman maganda ang hangarin na isuli ng mga Marcos ang kanilang mga nakaw na yaman ay dapat nakabatay ito sa batas.


Nandindigan din si Rosales na isa sa mga biktima ng karahasan noong panahon ng Martial law, na hindi maaring sa pagitan lamang ng pamilya Marcos at ni Pangulong Duterte manggagaling ang resulta ng pag-uusap kundi kung ano ang nakasaad sa batas na itinatakda nang buuin ang Presidential Commission on Good Government.

Paliwanag ni Rosales na ang PCGG aniya ang tunay na makapagsasabi kung sa papanong paraan at magkano ang dapat na ibalik ng mga Marcos sa kaban ng bayan.

Naniniwala rin ang dating CHR Chairperson na dahil sa kagustuhan ng mga Marcos na magsuli ng nakaw na yaman sa gobyerno ay pag-amin na rin ito ng kasalanan na kanilang ginawa sa taumbayan partikular na ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments