Pangulong Duterte, tiniyak na matutupad ang itinatakda ng batas hinggil sa pagpapalit ng bagong liderato sa Hunyo 30

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na pormal na makakaupo ang idedeklarang susunod na pangulo ng bansa sa Hunyo 30.

Pagbibigay-diin ng Punong Ehekutibo, isang constitutional requirement na dapat nang makapanumpa ang mananalo sa isinagawang presidential election ngayong taon.

Pagtiyak pa ng pangulo, kanyang isasalin ang liderato ng bansa sa sinumang kanyang magiging successor sa gitna ng paninindigang dapat na masunod kung ano ang itinatakda ng Saligang Batas.


Base sa umiiral na konstitusyon, alas-12:00 ng tanghali ng Hunyo 30 pormal na magsisimula ng kanyang panunungkulan ang ika-17 na pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Facebook Comments