Cauayan City, Isabela- Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na may sapat na pagkain sa probinsya ng Cagayan sa kabila ng nararanasang pagbaha bunsod ng Typhoon Ulysses.
Sa situation briefing na isinagawa kahapon sa Tuguegarao City, sinabi ng Pangulo na hindi tayo mauubusan ng pagkain at pinatitiyak din niya ito sa DSWD.
Bago pa aniya dumating ang bagyo ay may mga nakahanda nang pagkain na handang ipamahagi sa mga pamilyang maaapektuhan.
Gayunman, patuloy pa rin ang koordinasyon ng DSWD sa mga Local Social Welfare and Development Offices para sa mga karagdagang request ng Family food packs.
Samantala, ipinasakamay naman ni DA Secretary William Dar kay Cagayan Governor Manuel Mamba ang halagang P846.75 million-worth of assistance para sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo.
Bukod dito, namahagi rin ng bigas para sa mga magsasaka ng Cagayan ang Kagawaran ng Agrikultura at National Food Authority na nagkakahalaga ng P18.12 milyong piso.