Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly (UNGA) na patuloy na poprotektahan ng pamahalaan ang karapatang pantao.
Sa kaniyang talumpati, nanindigan si Pangulong Duterte na patuloy niyang lalabanan ang iligal na droga, krimen at terorismo.
“The Philippines will continue to protect the human rights of its people, especially from the scourge of illegal drugs, criminality, and terrorism,” sabi ng Pangulo.
Kinastigo ni Pangulong Duterte ang ilang grupo na ginagamit ang human rights issue para batikusin siya at pabagsakin ang gobyerno.
Binanggit ni Pangulong Duterte na may ilang grupo ang gumagawa ng hakbang laban sa pamahalaan pero guilty sa paglabag sa human rights.
“These detractors pass themselves off as human rights advocates while preying on the most vulnerable humans; even using children as soldiers or human shields in encounters. Even schools are not spared from their malevolence and anti-government propaganda,” dagdag ni Pangulong Duterte.
Nanawagan si Pangulong Duterte ng “open dialogue” at “constructive engagement” sa UN para resolbahin ang isyu sa human rights pero dapat ito isagawa alinsunod sa prinsipyo ng objectivity, non-interference, non-selectivity, at genuine dialogue na itinuturing niyang fundamental basies para sa isang productive international cooperation sa human rights.
Nabatid na maraming bansa ang naghahayag ng pagkabahala sa drug-related killings at pag-atake sa media sa ilalim ng Duterte Administration.