Pangulong Duterte, tiwala sa ikinasang preparasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paggunita ng Semana Santa

Manila, Philippines – Kontento si Pangulong Rodrigo Duterte sa ikinasang preparasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dahil sa kampante sa seguridad ang Pangulo, tuloy ang pag-alis niya ngayong hapon para sa state visits sa mga bansang Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

Gayunman, sinabi ni Abella na gusto pa rin ni Pangulong Duterte na makita ang resulta ng maayos na preparasyon ng Philippine National Police at iba pang ahensya ng pamahalaan.


Sa ngayon aniya ay nasa heightened alert status ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Gayundin ang pagtutok sa mga paliparan, pier at iba pang transportation hubs para matiyak ang seguridad ng mga pasahero.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi niya pinapansin ang travel advisory na inilabas ng Amerika dahil mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng mga Pilipino.
Nation”

Facebook Comments