Pangulong Duterte, tiwalang mababasura ang kaso ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Manila, Philippines – Mababasura lang ang kasong Usurpation of Authority na isinampa ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino.

Kaugnay ito ng insidente ng Mamasapano kung saan sinasabing may kapabayaan si Aquino kaya nasawi ang 44 na tauhan sa PNP – Special Action Force.

Paliwanag ni Duterte, bilang pangulo ng bansa ginawa lang ni Aquino ang mga dapat nitong gawin para maging matagumpay ang operasyon ng pag-huli noon sa teroristang si Marwan.


Dagdag pa ng pangulo hindi rin dapat sisihin kahit sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF Commander Getulio Napeñas.

Facebook Comments