Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na malapit nang magwakas ang rebeldeng komunismo sa bansa.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbuwag ng militar guerilla fronts sa bansa.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at umaasa siyang matitibag ang mga rebeldeng grupo bago siya bumaba sa kanyang pwesto.
“I’d like to say that it is a job well done and if this continues, the CCP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) is in the throes of death. We might be able to hopefully dismantle all by the time I get out of this office,” anang pangulo.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tapusin ang mga armadong komunista matapos madiskaril ang usapang pangkapayapaan.