Pangulong Duterte, trabaho ang hanap at hindi popularidad ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Hindi mahalaga para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang popularidad kanyang pagpapatakbo sa bansa.

ITO ang reaksyon ng Palasyo sa mga komento ng mga kritiko ni Pangulong Duterte tungkol sa pagbaba ng ratings nito base sa survey ng Social Weather Stations o SWS.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi hinahabol ni pangulong Duterte ang pagiging popular dahil ang pokus ng Presidente ay ang matiyak na matutupad ang kanyang pangako na labanan at tapusin ang iligal n droga, korupsiyon at krimen sa bansa.


Sinabi din ni Abella na hindi popular sa iba ang mga ginagawang hakbang ng pangulo para tuparin ang mga pangako nito pero desedido aniya ang pangulo na gawin ito para sa mga pilipino.

Binigyang diin ni Abella na hindi nakatuon ang Pangulo sa ratings dahil ang nais lang nito ay magampanan ang kanyang trabaho guso man ito ng publiko o hindi.

Facebook Comments