Nananatiling kontra si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng face-to-face classes lalo na at nananatiling banta ang mga variant ng COVID-19.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulo na dapat mabakunahan muna ang lahat ng mga Pilipino bago niya payagan ang mga estudyante na makabalik ng pisikal sa kanilang mga eskwelahan.
Iginiit ni Pangulong Duterte na nais lamang niyang i-adya ang mga estudyante mula sa COVID-19.
Ang pagbabakuna ay nakadepende rin aniya sa supplies na nakukuha ng pamahalaan.
Pero pagtitiyak ni Pangulong Duterte na may sapat na pondo ang pamahalaan batay na rin sa huling report ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Facebook Comments