Hindi pa rin pabor para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang Pangulo sa 2022.
Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ayaw pa rin ni Pangulong Duterte na tumakbo ang kanyang anak sa pagkapangulo.
Ang mga taga-Davao aniya ang makakapagsabi kung ang Duterte-Duterte tandem ay makakabuti para sa bansa.
Matatandaang naglabas ng resolusyon ang PDP-Laban na humihikayat kay Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na taon.
Facebook Comments