Biyaheng Cotabato City ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, layon ng pagtungo ng Pangulo sa Cotabato City na tugunan ang problema sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Nitong Biyernes, matatandaang nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at BIFF sa Datu Paglas, Maguindanao.
Sinabi ni Roque na kakausapin ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng BARMM at tropa ng militar.
Nais kasi ng Pangulo na maagapan ang panibagong insidente ng pagkubkob ng mga terorista sa ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Facebook Comments