Muling babalik ng China si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para makipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, muling aalis ang pangulo sa August 28 at mananatili sa China hanggang September 2.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na panahon na para pag-usapan nila ni Xi ang lahat ng isyu sa pagitan ng China at Pilipinas.
Kabilang na rito ang desisyon ng Arbitral Tribunal noong 2016 na pumabor sa Pilipinas, pagbangga ng Chinese Fishing Vessel sa bangka ng mga Pilipino sa Recto Bank, at joint oil exploration.
Ito ang ika-limang pagkakataon na bibisita ang pangulo sa China mula nang maupo siya sa pwesto.
Facebook Comments