Pangulong Duterte, umaasang hindi magiging ‘superspreader events’ ang mga community pantry

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga organizers ng community pantries na sumunod sa health protocols at iwasan ang maging superspreader events.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga pantry organizers para sa kanilang magadang layuning tulungan ang mga taong matinding naapektuhan ngayong pandemya.

Pero paalala ni Pangulong Duterte sa kanila na dapat pa ring sundin ang mga patakaran ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Saludo rin ang Pangulo sa mga taong nasa likod ng mga ganitong inisyatibo subalik may ilan ang “ignorante” sa public health standards.

Nabatid na 86 na residenteng dumalo sa food distribution event ng isang Quezon City councilor ang nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments