Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mananatiling maganda ang samahan o alyansa ng bansa at ng Estados Unidos kasunod ng pagkakaroon ng bagong US Ambassador.
Nagpapasalamat naman ang Pangulo kay outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa kaniyang kontribusyon sa pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.
Nagpaabot din ng pagbati si Pangulong Duterte kay Ambassador Kim sa kaniyang matagumpay na tour of duty sa bansa.
Nabatid na magtatapos na ang three-year tour of duty ni Ambassador Kim sa Pilipinas na nagsimula noong November 2016.
Samantala, pinagkalooban din ng Punong Ehekutibo si outgoing Ambassador Kim ng Order of Sikatuna with the rank of Datu or Gold Cross.
Sa panig ni Ambassador Kim, sinabi nitong mananatiling committed ang Amerika sa alyansa at partnership nito sa Pilipinas.