Higit 3 milyong kabataan, bakunado na kontra COVID-19 ayon kay Pangulong Duterte

60

Nasa higit tatlong milyong kabataan na ang bakunado kontra COVID-19 sa buong bansa.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Talk to the People kagabi kung saan ang mga ito ay pawang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Kasunod nito, aabot na rin aniya ngayon sa kabuuang 134.4 milyon na COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa mula sa iba’t ibang manufacturers.


Habang 76.5 milyong doses naman dito ang naiturok na kung saan 41.9 milyon ang ibinigay bilang first dose at 33.5 milyon ang ikalawang dose at single dose shots.

Sa kasalukuyan, tanging ang COVID-19 vaccine pa lamang ng Pfizer at Moderna ang pinapayagan ng Food and Drug Administration na gamitin para sa mga menor de edad.

Facebook Comments