Pangulong Duterte, umatras na sa pagtakbo sa 2022 election at pormal nang magreretiro sa politika; Sen. Bong Go, pormal nang naghain ng COC bilang kapalit ng pangulo sa vice-presidential race

Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si Senador Bong Go para sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ito ay kasunod ng pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo sa vice presidential race sa 2022 election.

Sinamahan mismo si Go ni Pangulong Duterte sa paghahain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Manila sa Pasay City.


Sa statement ni Pangulong Duterte, inanunsyo na nito ang kaniyang pormal na pagreretiro sa politika.

Ayon sa pangulo, nagdesisyon siya na ipaubaya na kay Sen. Go ang pagsabak sa pagka-pangalawang pangulo dahil na rin aniya sa panawagan ng taong bayan.

Hindi naman binanggit ni Go kung sino ang kaniyang magiging presidente o running mate sa halalan sa susunod na taon

Facebook Comments