Wala nang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na italaga sa ibang posisyon sa gobyerno si Nicanor Faeldon matapos niyang sibakin bilang pinuno ng Bureau Of Corrections (Bucor).
Sa isang interview, ayon sa Pangulo, marami na bumabalot na kontrobersiya kay Faeldon sa mga nakalipas na taon.
Pero hindi niya nakikitang isang ‘Dishonest Official’ si Faeldon.
Matatandaang itinalaga ng Pangulo si Faeldon sa Bureau Of Customs (BOC) noong june 2016 na nabalot ng kontrobersiya matapos makalusot ang 6.4 billion pesos na halaga ng shabu.
Inilipat si Faeldon noong 2017 bilang Deputy Administrator ng Office of Civil Defense, at saka itinalaga bilang Director General ng Bucor.
Facebook Comments