Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na walang pang inilalabas na notice of termination si Pangulong Rodrigo Duterte para pormal na tuldukan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno at ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, officially, walang inilalabas ang Pangulo na Written Notice para sa NDF Peace Panel.
Pero sinabi ni Abella na ang mga sinabi ni Pangulong Duterte ay direktiba na para para sa Government Peace Panel.
Matatandaan na sinabi ni Government Peace Panel Chairman at Labor Secretary Silvestre Bello III na kailangang maglabas ang Pangulo ng Notice of Termination para tuluyan nang maputol ang Peace Talks sa rebeldeng grupo.
Hanggang sa ngayon din aniya ay nagaabang siya ng pinal na direktiba mula sa Pangulo kaugnay sa nasabing isyu.