Pangulong Duterte walang interes na talakayin ang Arbitral Tribunal ruling sa ASEAN summit

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang talakayin ang issue ng arbitral tribunal na ipinanalo ng Pilipinas laban sa China sa Arbitration court.

Matatandaan na lumabas sa Draft ng Chairman’s Statement sa ASEAN summit ay hindi nabanggit ang territorial dispute at ang pagkapanalo ng Pilipinas sa kaso.

Sa ambush interview kay Pangulong Duterte kanina sa Malacañang ay sinabi nito na walang kabuluhan kung uungkatin ang arbitral ruling kung hindi din naman patitinag ang China sa kanilang claim at ganon din ang Pilipinas.


Binigyang diin din naman ni Pangulong Duterte na ang desisyon ng arbitral tribunal ay may kaugnayan lamang sa entitlements at hindi mismong teritoryo ng bansa.

Naniniwala naman si Pangulong Duterte na mas mabuting makipag -usap nalamang siya sa China kaysa makipagmatigasan dahil hindi din naman aniya ito papipigil sa kanilang pag-angkin sa mga nasabing teritoryo.

Facebook Comments